Mamamatay Tula

Hindi ako marunong magsulat ng tula
‘Ni hindi ko alam kung ano nga ba ang letra

Hindi pamilyar sa kung ano ang tono at tugma

Nagsusulat lamang para may magawa
Hindi ako marunong magsulat ng tula

‘Ni hindi ako makabuo ng isang magandang piyesa

Gamit ang tintang tila lumuluha

Hawak ang papel na nagmamakaawa
Hindi ako marunong magsulat ng tula

Ibinababa lamang ang antas ng literatura

Hindi alintana ang maling sukat ng litanya

Pinapaniwala ang sarili sa taludturang malaya
Malaya, sa tingin ko ako ay malaya

May kalayaang patayin ang pamantayan ng tula

Baliktarin at pagisahin ang iba’t ibang mga letra

Malayang sambitin ang teksto ng walang tugma
Hindi ako marunong magsulat ng tula

Tulad ng pasaherong walang barya sa umaga

Gaya ng pagmamaneho ng walang lisensiya

Sa matinding labanan ang sandata ko’y mahina
Mahina, sa tingin ko ako ay mahina

May kahinaan sa pagsusulat ng mga may kwenta

Tinitignan ang sariling akdang likha ng isang tanga

‘Di makagawa ng kwentong tiyak na bibenta
Hindi ako marunong magsulat ng tula

Mangmang sa paggamit ng sariling wika

Magbasa man ng mga librong maraming pahina

Hindi na mapapagana ang bateryang naubos na
Ubos na, Oo ito’y ubos na

Tuluyan ng nasayang ang mga luha ng tinta

Mga tintang kumawala mula sa pluma

Na sa simula’t simula’y pilit na nagmamakaawa
Nagmakaawa, tintang nagmamakaawa

Na tulungan siyang makawala mula sa kadena

Sumasamong makalayo mula sa tanikala

Sa kamay ng isang mamamatay tula.

Advertisements

4 thoughts on “Mamamatay Tula

Add yours

  1. this is wonderful poetry. Lacking one of my friends to translate, I used google – I’m sorry! — but the humble verse comes across. Thanks for liking my comments so I had a chance to read your work!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: