Meron akong kwento

​Meron akong kwento.

Kwentong totoo.

Di katulad ng isang tsismis sa kanto na malayong patotoo.

Di tungkol sa kung anong enkwentro ng kung sino mang tao, o ng mga kung sinong nagpapakatao

Na akala mo kung sino kung magbigay komento, eh wala namang alam sa current issue.

Tao nga ba o pilit lang itinatago ang pagiging aso?

Tahol lang ng tahol sa kung anu-anong argumento, oh eto ang buto para tumigil na yang bunganga mong radyo.

Na imbis na balitang totoo ang ipahayag mo, eh kwento ng kapitbahay niyong naengkanto.

Di naman sa subok na pagsuntok sa mukha eh pagpitik lang naman sa utak mong mas mas magara pa sa papel de liha.

Na imbis na hasain ang utak, eh pilit pinapakinis ang mga bagay na di naman magara.

Di naman sa pagsabing mali ang iyong sinasabi,

Na sinabi mo ang mga sabi-sabi sa mga nangyayari sa mga taong memasabi, sa bagong milenyong imbis na nakakaintindi na imbis na maginitindihan eh mas gusto yata ang di pagkakaintindihan na karaniwang nauuwi sa pagkakainitan.
Ano daw? 

Basta ang gusto kong sabihin eh di talaga kita maintindihan.

Ano nga ba ang uso? Sino nga ba ang sikat? Sino nga ba ang numero uno sa mga search engine ng iba’t ibang sites?

Ano nga ba ang trending? Anong parte ng istorya ba ang aking didinggin? Ang pagkapanalo ba ni sinio na ang iskor ng mga hurado ay payb zero o ang pambabastos niya kuno kay anne mateo?

Ano nga ba ang panuoring mas maganda, probinsiyano o encantadia?

Di pa ba nauubusan ng mga istorya ang ‘maalaala mo kaya?’ Mga reaksyon mo sa peysbuk naalaala ko pa. Gumagamit ka pa ng pausong salita ng henerasyong nagpapababa sa istandard ng ating sariling wika. Oh teka, kailan pa naging reliable source ang wikipedia?
Oh mas magandang makimainstream sa mga bitter sa february fourteen?

Walang ka-date sa valentines day kaya naman ginawang halloween.

Hugot ng hugot with matching puso puso eh wala namang boyprin.

Paalala lang friend, isarado ang bunganga wag nganga ng nganga dahil pagiging aanga anga ang bunga ng walang kwentang pananalita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

%d bloggers like this: